Sunday, April 20, 2008

mixed

o eto na. eh di ba nabroken hearted ako kase aalis siya? after 2 days, nag offer ang kumpanya ng mga taong aalis kasama niya. oh di ba? nagvolunteer ako. leche! hindi ko alam kung bakit. dahil siguro - i have to let go. masyado nang napamahal sa ken ang team. sabi nila - i have to let go. yung team na isa isa na rin kaseng nadidisolve at kung hindi ako aalis ngayon, maiiwan akong mag isa. duwag nga ako. takot akong maiwan kaya ngayon ako ang mangiiwan. ok lang sigurong umiyak ngayon. sooner or later, i'll get used to it. hindi dahil sa kanya, dahil sa puntong to, alam ko na mawawala na rin siya. nadadala lang siguro ako sa lahat ng birong ako rin ang nagsisimula. hindi ko alam. may lugar sa isip ko ang nagsisisi sa desicion. hypothalamus ata. dahil may naiwan ako sa team, na nakakapanghinayang.

with just one hand raise - magbabago na ang sistema ko sa trabaho - mga taong makakatrabaho ko simula mamayang gabi. ang bilis. hindi ko alam, nalilito ako.

so nagjapan ka pala?

fine. kaya pala di na kita nakikita. akala nasa kabilang building ka lang. kung di dahil sa katoma mo di ko malalalaman. good for you though. kesa naman manatili ka dito sa pinas at wala nang ginawa kundi magturo ng pruduktong ni hindi pwedeng gamitin ng mga pilipino. jan ka na sa japan, magturo sa mga hapon ng english. haha. whatever. anyway bye.

Tuesday, April 15, 2008

pabili po ng hope

kahapon bumibili ako ng pandesal, may batang bumibile ng sigarilyo...

"pabili po ng hope"

sana ganon kadali, sa halagang dalawang piso, may pagasa ka na.

-buntonghininga-

what becomes of the broken hearted

say what now? time check  7:44 am

leche bakit ako nasa computer shop ng ganito kaaga? kanina ko pa kase tinititigan yung jack daniel's na binigay ni ocel nung october. hindi ako umiinom. pero gusto kong uminom. tama. uminom. ganitong mga linya usaping puso.

ang mga susunod na pangyayari ay naganap sa pagitan ng 2am-3am april 16,2008

kasalukuyan kong kinakausap ang lintek na helio member, yung taong nasa likod ko, biglang pinag aux 2. nagulat ako, sabi niya sa ken "i told you, it's about zero tolerance" napanganga ata ako. ano bang nasabi ko? "hala, what will happen?" kinabahan na ko.

lintek panong hindi ako kakabahan, eh kanikanina lang eh kinumpirma ko na sa sarili ko na natuto na sa kehabahabang prosesong training ang lintek na puso at sumunod rin sa gusto ko? tapos itong hinayupak na alien na ito na pinagaralan kong batukan para mahulog ako ng tuluyan eh mateterminate pa ata! aalis? iiwan akong bored? mageengineer sa ibang bansa? magbabakasyon sa hongkong at hindi na babalik? utang na loob!

bumalik siya, hindi naman daw cia mateterminate. hayy... eh ano raw? "ililipat sa sprint."

say whhatt noww??! itratransfer sa sprint??? pareho din! walang pinagkaiba... mawawala rin pala cia... kung kelan naman ok na ko, napilit ko na ang sariling kong kalimutan ang isang taong lalake rin ang gusto, wala na naman.  teka, umiyak na ko kanina pero iyak uli ako. hu - hu - hu.

putik, hindi na ito usaping Alter o kung sino pa man. please just take away my heart - it's always broken though it was never been whole. pagod na ko. enough. inuman tayo! shit.

 

"what becomes of the broken hearted?">dito sa linyang ito nagmula ang kagagahang ito kay alter. nung kinanta ko ang linyang ito at binanggit niya kung sino ang lecheng kumanta. dito rin ata magtatapos...

Sunday, April 13, 2008

yea idol!

i was reading quotations from well known individuals around the world when suddenly one familiar name caught my eye.

check out imelda marcos' famous lines:

Filipinos want beauty. I have to look beautiful so that the poor Filipinos will have a star to look at from their slums.
Imelda Marcos

God is love. I have loved. Therefore, I will go to heaven.
Imelda Marcos

I did not have three thousand pairs of shoes, I had one thousand and sixty.
Imelda Marcos

I get so tired listening to one million dollars here, one million dollars there, it's so petty.
Imelda Marcos

I hate ugliness. You know I'm allergic to ugliness.
Imelda Marcos

I have never been a material girl. My father always told me never to love anything that cannot love you back.
Imelda Marcos

If you know how rich you are, you are not rich. But me, I am not aware of the extent of my wealth. That's how rich we are.
Imelda Marcos

It's the rich you can terrorize. The poor have nothing to lose.
Imelda Marcos

Never dress down for the poor. They won't respect you for it. They want their First Lady to look like a million dollars.
Imelda Marcos

We practically own everything in the Philippines.
Imelda Marcos

Win or lose, we go shopping after the election.
Imelda Marcos



hhhmmm... inspiring right?

if i remember you, will you remember me?

kyle xy soundtrack performed by april matson.

haha, tumakbo ang isip ko bigla sa reaction ni henry. nahiya ako nung una, pero maitatanggi ko ba? tsk. nabuko bigla si maine. adik kase.

anyway, i have nothing to hide. that is... indeed, the truth.

le gra, go deo,

maine haha!

 

Thursday, April 10, 2008

tzup?

panahon na naman ng petics. muscle cells on vacation leave. inaabot na naman ako. tsk. hindi kase ako nakapagenrol ng summer, nabawasan tuloy ako ng isang mabigat na responsibilidad at ang tendensiya, pumetics! matulog, kumain, at matulog, kumain. tsk. mali. kelangang buhayin ang dugo, pasiglahin ang kalamnan at punan ang kakulangan sa tulogg??? hhhmmm... hindi ata maganda kumbinasyon. ah basta maghintay na lang ng tunay na vacation leave maineard!